Parking fee sa third floor ng NCPM, muling ibabalik ngayong buwan

NAGA CITY – Muling ibabalik o ipapatupad ang Parking Fee Ordinance sa third floor ng Naga City People’s Mall ngayong Oktubre 2023, matapos itong ipahinto dahil sa ilang dahilan.

Katulad ng nabawasan ang mga taong namamalengke.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Elmer Pitallano, Chief Operation Officer, Security Unit ng Market Enterprise and Promotions Office, nilinaw nitong sa ngayon ay hindi pa sila naniningil at magsisimula pa lamang sa Oktubre 16.

Katulad ng dating nakasulat sa ordinansa, 2004-123 Article VII, Section 14, nakapaloob na walang bayad para sa mga motorsiklo maging sa mga tricycle, samantalang sa mga delivery truck, jeep at ilan pang apat ang gulong, may bayad na P10.00-P15.00 sa loob ng dalawang oras, dadagdagan na lamang kapag sumubra sa oras, na siya ring ipapatupad.

Sa ngayon ay nagiging istrikto lamang sila lalo na sa mga tricycle dahil iniiwasang huwag maging overloaded ang parking lot, hindi rin pwedeng tumambay na isa rin sa mga hinaing ng mga stall owners lalo na kung mag-isa kaya lamang upang malimitahan, ipinapababa ang service na gamit ng mga stall owner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *