Parlade: Masbate, isailalim sa police control, matapos ang land mine blasts

Inirekomenda ni Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ang pagsasailalim sa Masbate sa police control kasunod ng land mine explosions sa naturang lungsod na ikinasawi ng dalawang indibidwal.

Ayon kay Parlade, ginawa na niya ang mungkahi kay Interior Secretary Eduardo Año at National Security Adviser Hermogenes Esperon, matapos ang marahas na pagkamatay ng university star football athlete Kieth Absalon at pinsan nitong si Nolven Absalon noong June 10.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang pursuit operation ng mga otoridad.

Hinala ng mga otoridad, nasa naturang lugar pa ang mga suspek na rebelde, kung saan natatakot lang umano ang mga residente na magsumbong.

Paliwanag ni Parlade, sa oras na isailalim ang lugar sa police control, magkakaroon ng mas malaking kontrol ang Philippine National Police sa law enforcement operations, pero makatitiyak umano ang lokal na pamahalaan na sila parin ang mangunguna, at maipapanatili ang kanilang authority. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *