Parte ng diversion road sa Bula Camarines sur, hindi pa rin pinapadaanan sa bus dahil sa pagkasira ng kalsada dulot ngnagdaang Bagyong Amang

NAGA CITY- Hindi pa rin nadaanan kahapon lalo na ng nga bus at truck ang parte ng Albay Diversion Road sa Palsong-Topas- Magadap  road, Bula, Camarines Sur dahil sa pagkasira ng kalsada dulot ng ulang dala ng Bagyong Amang.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni MDRRM Officer Isagani Raña.  Aniya under construction ang ilang bahagi ng kalsada, mahina ang pundasyon lalo na dinaraaanan ng mga mabibigat na sasakyang ayaw nang dumaan sa sentro ng bayan.

Sinisikap aniya ng LGU at Department of Public Works and Highways na maayos ang daan dahil apektado rin ang mga residente sa lugar.

Dagdag pa nito ang mga residenteng posibleng maapektuhan ng pag guho ng lupa sa susunod pang mga kalamidad ay pinagawan na ng malilipatan.

Samantala ayon kay LGU Spokesperson Carlos Pontanal, wala nang problema sa Barangay Itangon , na cleared nama kaagad ang daan matapos na makapagtala ng tatlong mga pagguho ng lupa sa Inoyonan-Itangon Road.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *