Partially damaged na imprastraktura sa Bicol, dahil sa bagyong Paeng, pumalo sa mahigit P284M – DPWH Bicol

LEGAZPI CITY – Umabot sa mahigit P284M ang partially damaged na infrastructure sa rehiyong Bicol dahil sa bagyong Paeng ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Justine Dayandante, Information Officer III ng ahensya, on-going pa rin ang calamity damaged assessment ng maintenance division sa Partido area ng Camarines Sur, Catanduanes at iba pang mga lalawigan.

Pinakamalaki umanong pinsalang naitala sa rehiyon ay ang sa Camerines Sur na umabot sa mahigit P100M at Catanduanes na nasa P36M.

Karamihan sa mga napinsalang imprastraktura ay nagkaroon ng pagguho ng kalsada o road slip at iba pa.

Sa oras na matapos ang assessment ng ahensya ay magre-request na ito ng pondo mula sa National DRR at depende rin ito kung kukunin sa quick response fund.

Sinabi pa ng opisyal, maghihintay na lamang itong babaan ng pondo upang masimulan nang ayusin ang mga nasirang kalsada sa rehiyon dahil sa bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *