KORONADAL CITY- TARGET ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na maging isang malaking politicial party sa bansa ang Partido Federal ng Pilipinas o PFP na pinamumunuan nito bilang national president.
Inihayag ni Tamayo na nasa proseso sila ngayon ng expansion at pagpapalakas pa sa PFP kung saan may ginagawa na ang mga itong recruitment sa mga pulitiko sa mga pulitikong gustong maging miyembro ng PFP.
Sa katunayan ayon sa opisyal, mahigit sa 1000 na mga elected officials sa Davao Del Norte ang nakatakdang manumpa sa partido ngayong buwan.
Dagdag pa nito na ang mahigit sa 300,000 na miyembro ng Reinforced Services Task Force o RST ay iko-convert na maging PFP members.
Binigyang-diin ng gobernador na bukas ang Partido Federal ng Pilipinas sa pulitiko na handang isaisip, isapuso at isagawa ang 5 core principles ng PFP: ang Theism; Humanism; Enlightened Socialism; Patriotic Federalism; at Direct Democracy.
