Binigyang diin ni Tutok to Win Party-list Rep. Sam “SV” Verzosa, Jr. na mga mga paraan para maamyendahan ang 4Ps law na magbibigay daan para maging “inclusive” ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon, entrepreneurship, livelihood, at economic opportunities para sa mga mahihirap na Pilipino.
Si Verzosa ang nanguna sa deliberasyon ng Technical Working Group (TWG) ng House committee on poverty alleviation para sa substitute bill, na inaprubahan ng panel noong February 7.
Ang naturang mambabatas ang nanguna din sa konsultasyon ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pilipino (SNPP) at iba’t-ibang government agencies para sa pag-amyenda sa Expanded 4Ps Law.
Ang substitute bill ay may titulong “An Act Promoting Inclusive Education, Entrepreneurship, and Employment for Sustainable Development among 4Ps Adult Beneficiaries, amending for the purpose Republic Act No. 11310, otherwise known as An Act Institutionalizing the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)” habang ang pinaiksing titulo nito ay “Expanded Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act.”
Ito ay inaasahang makakabuo ng education, entrepreneurship, livelihood, at economic opportunities para sa mga benepisyaryo ng 4Ps.