Pasay City, nagpatupad ng isang linggong health break para sa mga estudyante at guro

Nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng Pasay City ng isang linggong “health break” para sa mga estudyante at guro sa gitna ng pagsipa ng COVID-19 cases sa bansa.

Pinirmahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang Executive Order No. 28 na nagdedeklara ng suspensyon ng mga klase sa lahat ng antas sa parehong public at private schools.

Tatakbo ang “health break” ng Pasay City mula January 15-22.

Inisyu ni Rubiano ang kautusan upang bigyan ang mga estudyante at guro ng sapat na panahon na makarekober mula sa physical at mental fatigue na idinulot ng COVID-19 pandemic.

Umaasa rin ang alkalde na magagamit ang panahon para sa “retooling” ng minimum public health protocols upang maprotektahan nila ang kanilang mga sarili mula sa virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *