Pasay Prosecutor’s office, tinapos na prelim probe sa drug importation case vs Juanito Remulla

Tinapos na ng Pasay City Prosecutor’s Office ang preliminary investigation sa reklamong importation of drugs na inihain ng Bureau of Customs laban kay Juanito Remulla III.

Si Remulla na panganay na anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ay inaresto noong October 11 matapos tanggapin ang isang package na naglalaman ng high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P1.3 million pesos sa Las Piñas.

Ang drugs importation complaint ay isinampa laban sa kanya sa Las Piñas, ngunit kalaunan ay ini-refer sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Kinasuhan din siya ng drug possession sa Las Piñas City Regional Trial Court.

Hindi naghain ng counter-affidavit si Remulla sa kasong importation of drugs.

Samantala hindi personal na dumalo si Remulla sa pagdinig sa kaso niyang drug possession sa Las Piñas Regional Trial Court Branch 197 kahapon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *