Target matapos sa taong 2028 ang pasilidad para sa itatayong kauna-unahang Virology and Vaccine Institute of the Philippines.
Sa naging presentation ni Bases Conversion and Development Authority o BCDA President and CEO Aileen Zoza sa ginanap na BCDA Lunch Fellowship with Media in Central Luzon kaninang tanghali, sinabi nito na itatayo ang pasilidad sa limang ektaryang lupain sa New Clark City.
Magkakaroon ito ng human and animal, at plant virology laboratory, plant cultivation area, biosafety level 3 and 4 laboratory building at sewage treatment plant.
Meron din itong dormitory, admin building, lecture hall at power station.
Matatandaang July 2022 nang magkaroon ng signed agreement ang BCDA at Department of Science and Technology o DOST hinggil sa naturang plano.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…