Pasok sa eskwela sa ilang bayan sa Camarines Sur suspendido dahil sa ulan; ilang spillway hindi madaaanan

NAGA CITY – Suspendido ang pasok sa ilang bayan sa Camarines Sur dahil sa matagal at malakas na pagbuhos ng ulan.

Ayon sa Memorandum Order na ibinaba ni Mayor Marilyn Co, lahat ng pasok sa mga lebel mapa-pribado o pambublikong paaralan sa bayan ng Caramoan ay suspendido na dahil sa banta ng pagbaha.

Ganito din ang nakapalaman sa pinalabas na kautusan ni Mayor Leda Simando-San Luis ng Garchitorena dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Sa Lagonoy, wala ring pasok sa lahat ng antas sa inilabas na memorandum ni Mayor JB Pilapil.

Sa Presentacion, Elementary at Secondary level ang walang pasok. Nagpalabas din ng kautusan nito si Mayor Alicia Deleña.

Walang pasok sa trabaho at eskwela sa lahat ng antas sa Siruma base sa memorandum ni Mayor Carina Polinga.

Sa Sipocot suspendido rin ang pasok sa lahat ng antas, mapa pampubliko man o pribado base sa kautusan ni Mayor Tom Bocago.

Kaugnay pa rin ng sama ng panahon , ilang Spillway sa Camarines Sur ang hindi na madaanan matapos na lamunin na ito ng baha. Halimbawa na lamang nito ang Spillway sa Sitio Contod Barangay Tabgon sa Bayan ng Goa at ang Spillway ng Ason-Bahi, sa Garchitorena. Tatlong Spillway naman sa bayan ng Lupi ang hindi na rin madaanan dahil sa lakas ng agos ng baha.

Ayon kay Lupi MDRRM Officer Gary Cruz, dahil sa mababa ang kanilang mga Spillway lagi itong binabaha, sabayan pa ng Volume ng tubig galing sa mga bundok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *