Suspendido ang trabaho ng mga nasa Executive Branch ng gobyerno simula mamayang alas tres ng hapon.
Dahil ito sa selebrasyon ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day” ngayong September 25.

Layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng kawani sa executive branch na makapag diwang kasama ang kanilang pamilya.
Batay sa Memorandum Circular no 32, ang Kainang Pamilya Mahalaga Day ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng 31st National Family Week tuwing huling linggo ng Setyembre.
Hindi naman kasama sa mga suspendido ang pasok ang mga ahensya ng gobyerno na responsable sa pag tugon sa oras ng emergency, gayundin sa pangkalusugan at pangkaligtasan.