Pasok sa gobyerno at sa lahat ng antas ng pampublikong paaralan, suspendido ngayong araw dahil sa supertyphoon Karding – APSEMO

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Public Safe and Emergency Management Office (APSEMO) na walang pasok ngayong araw sa gobyerno maging sa lahat ng antas ng pampublikong paaralan sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Cedric Daep, pirmado ni Gov Noel Rosal ang advisory number 2 na suspendido muna ang mga ito ngayong araw ngunit hindi kasama sa suspension ang mga frontliners.

Aniya, nasa discretion na rin ng pribadong kompanya at pribadong paaralan kung sila ay susunod sa inilabas na advisory ng lalawigan.

Binigyang-diin nito na hindi maaaring isawalang-bahala ng pamahalaang panlalawigan ang inilabas na kautusan ni Pres. Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. dahil ito lamang ang inaprubahan ng Malacañang.

Sa ngayon ay mahigpit na ipinatutupad sa Albay ang ‘no sailing policy’ dahil sa nasabing bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *