Pasok sa ilang paaralan sa Angeles, iniklian na dahil sa init ng panahon

Nag desisyon na ang ilang eskwelahan sa Angeles city na iklian na ang oras ng klase dahil sa nararanasang init ng panahon.

Ayon kay teacher Jocelyn Icmat ng Don Clemente Dayrit Elementary School sa bgy Lourdes Sur East, simula kahapon, ang klase ng mga estudyante ay mula alas syete ng umaga hanggang alas dose na lang ng tanghali.

Pero hanggang Byernes lang ipatutupad ang shortened session, at dedepende sa assessment kung itutuloy ang ganitong set up.

Samantala maliban sa pagpapaikli ng oras, pinayagan na rin ng DepEd Angeles schools division na mag suot ng t-shirt ang mga estudyante at teacher, para kahit papaano’y maibsan ang hirap na kanilang tinitiis dahil sa init ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *