Pasok sa K-12, trabaho, suspendido sa mga lugar na nasa ilalim ng lahat ng storm signal

Otomatiko nang kanselado ang mga klase mula sa kindergarten hanggang Grade 12, maging ang trabaho sa mga pampublikong paaralan na nasa ilalim ng anumang public storm signals.

Batay sa revised DepEd Order (DO) 37, na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, na sa panahon ng bagyo, ang in-person at online classes, trabaho, at Alternative Learning System (ALS) ay suspendido sa lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) 1, 2 ,3, 4, o 5.

Samantala, pinasususpende rin ang klase at trabaho sa kindergarten hanggang Grade 12 sa mga lugar na nakataas ang Orange o Red Rainfall Warning, o Flood Warning mula sa PAGASA.

Ayon naman sa DepEd, ang mga local chief executives ang magdedesisyon kaugnay sa class suspensions, kung ang kanilang mga lugar ay nasa ilalim ng Yellow Rainfall Warning.

Nakasaad din sa DO 37 na kung ang TCWS, Rainfall Warning, o Flood Warning ay inilabas habang nagsisimula ang klase, ay agad itong ipasususpende. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *