Pasok sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Albay, suspendido ngayong araw hanggang linggo dahil sa bayong Paeng; mga LGUs, inabisuhan ng PDRRMC

LEGAZPI CITY – Suspendido na ngayong araw, Oktubre 28, hanggang sa Linggo, Oktubre 30, ang pasok sa lahat antas sa pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan ng Albay dahil sa bagyong Paeng batay sa inilabas na advisory mula sa Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMC).

Ito ay upang mapaghandaan at maiwasan ang anumang posibleng peligrang idulot ng sama ng panahon lalo pa’t kasalukuyang nakataas ang signal number 2 sa buong lalawigan.

Samantala, upang makamit ng lalawigan ang layunin ng PDRRMC na zero-casualty, naglabas din ng kaugnay na advisory ang tanggapan sa paghahanda sa paparating na bagyo. Inaabisuhan ang lahat ng mga lokal na pamahalaan partikular na ang kanilang C/MDDROs na i-review ang kanilang mga evacuation plans at maging alerto sa posible umanong paglikas, kung kaya’t kinakailangan nilang i-monitor ang weather bulletins mula sa PAGASA.

Lahat umano ng local DRRMOs at BDRRMCs ay inaabisuhang magsagawa ng 24 oras na monitoring sa lahat ng mga lugar lalo na ang mga flood, lahar, flashflood at landsline-prone areas.

Dagdag pa nito, binabawalan din ang publiko lalung-lalo na ang mga magsasaka, mga mangingisda na pumalaot o pumunta sa mga ilog, maging ang pagpunta sa mga beach reasorts upang maiwasan ang mga hindi inaasahang aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *