Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Naga at Camarines sur, kinansela ngayong araw dahil sa Bagyong Dante

NAGA CITY- WALANG PASOK sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Camarines Sur at Naga City ngayong araw dahil sa bagyong Dante.

Sa Memorandum Order No. 2  ni Gov. Migz Villafuerte, nakasaad ang suspensyon ng trabaho maging ng mga pasok sa pribado at pampublikong paaralan.

Sa anunsyo naman ng memorandum ni Mayor Nelson Legacion parehong deklarasyon ang nakasaad base sa rekomendasyon ng Naga City Disaster Risk Reduction and Management Council at Incident Management Team.

Pareho namang inaatasan ang mga nasa rescue units,pati ang mga naghahatid ng basic at health services na maging alerto sa posibleng epekto ng nasabing sama ng panahon.

Kaninang alas-5 ng umaga nakasaad sa forecast ng PAGASA nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa western portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Pasacao, Pamplona, San Fernando) habang signal no. 1 ang nalalabing bahagi ng probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *