Pastor patay sa motor na sumalpok sa SUV sa Koronadal

KORONADAL CITY — HINDI na umabot ng buhay sa ospital ang isang pastor sa nangyaring vehicular accident kahapon ng umaga sa national highway, Purok Crismos, Barangay Saravia, nitong lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal Police Staff Sergeant Semirvidor Namoca, imbestigador ng Traffic Section ng Koronadal City PNP, kinilala nito ang biktima na si Pastor Roger Calinao, 66, at residente ng Purok Maharlika, Barangay Saravia, Koronadal City.

Paliwanag ni Namoca, sakay ng isang motorsiklo si Calinao mula sa direksiyon ng Tupi papuntang Koronadal nang sumalpok ito sa isang SUV na pagmamay-ari ng Pag-IBIG Fund Koronadal at minamaneho ng isang Angelito Gorgonio Zurita, 46, may-asawa, at residente ng Agan North, Barangay Morales, Koronadal City na

Sa imbestigasyon ng City Traffic nag-overtake ang SUV sa sinusundan nitong sasakyan at hindi nito nakita ang isa pang motorsiklo na nasa unahan.

Inagaw umano ng SUV ang kabilang lane at sinubukang bumalik ngunit nasalpok ng motorsiklong minamaneho ng pastor ang likurang bahagi ng sasakyan.

Dahil sa aksidente, tumilapon si Calinao at agad na isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Sa ngayon, nananatili sa kostudiya ng mga otoridad ang driver ng SUV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *