PATAFA, itutuloy ang imbestigasyon laban kay Obiena

Walang plano ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na ihinto ang imbestigasyon nito sa mga alegasyon laban sa pole vaulter na si EJ Obiena.

Kabilang na rito ang pamemeke umano ng Olympian sa liquidation reports nito na ipinasa sa federation at hindi pagbabayad sa sweldo ng kaniyang coach na si Vitaly Petrov ng Ukraine.

Noong Linggo ng gabi ay lumabas si Obiena at ang coach nito sa isang press conference kung saan ay itinanggi niya ang lahat ng mga akusasyon ng PATAFA habang kinumpirma naman ni Petrov na buo na ang natanggap nitong sweldo.

Ipinunto ni PATAFA president Philip Ella Juico na hindi totoo na sinisiraan nila si Obiena dahil purely internal ang imbestigasyon ng board.

Iginiit ni Juico na pumirma si Petrov ng isang statement kung saan ay sinabi na wala itong natanggap na bayad para sa naging serbisyo nito.

Aniya, suportado rin ito ng signed affidavit mula sa pole vaulting legend na si Sergey Bubka ng Ukraine, na nagsisilbi bilang presidente ng Olympic committee ng bansa nito at bilang senior vice president ng International Association of Athletics Federations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *