Patakaran sa pagbabakuna sa A3 inilatag na; bawal walk in sa vaccination site

Naglatag na ng patakaran ang lokal na pamahalaan sa pagpaatupad ng pagbabakuna sa A3 priority group o yun may mga comorbidity sa Taal, Batangas-

Kabilang sa mga patakaran ay ang hindi na pagtanggap ng mga replacements sa mga hindi makakarating sa vaccination site, marapat na pumunta sa itinakdang oras (wag pumunta ng maaga o late), hinidi rin mag aaccomodate o walang dapat na mag-walk-in, para naman  sa mga pangalan na hindi pa nakasama, maari lamang na maghintay para sa mga susunod na schedule.

Sa Kasalukuyang inaayos pa ang listahan pra sa mga susunod na schedule at naghihintay pa din ng karagdagang dating ng mga bakuna at dito pa lamang muling magsisimulang tumanggap ng panibagong listahan para sa mga hindi pa nakakapag palista.

Sa huli idiniin pa din na sundin ang Minimum Health Protocols-FACE MASK, FACE SHIELD, PHYSICAL DISTACING at magdala ng sariling BALLPEN upang maiwasan ang maaring sanhi ng pagkalat ngvirus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *