Patay sa lindol sa Indonesia umakyat na sa 268

Lumobo pa sa 268 ang bilang ng mga namatay sa lindol na tumama sa kanlurang bahagi ng Java Indonesia kung saan karamihan ay mga bata.

Ayon kay Henri Alfiandi mula sa National Search and Rescue Agency, maraming mga bata ang nasawi dahil nataon nang ala-una ng hapon ang lindol kung saan maraming mga bata ang nasa eskuwelahan.

Maliban sa mga nasawi, nasa 151 pa ang missing habang mahigit 1,000 ang mga nasugatan at nasaktan.

Kaugnay nito, tuloy ang rescue operation sa pag-asang mayroon pang mga maisalbang survivors bagamat pahirapan ang mobility ng mga rescuers dahil sa mga napinsalang kalsada.

Kinumpirma din ng National Disaster Mitigation Agency na mahigit sa 22,000 ang bilang ng mga bahay na napinsala habang mahigit 58,000 na tao ang dinala sa mga shelter sa iba’t ibang bahagi ng Java.

Samantala, nananawagan ng pagkain, tubig at matutuluyan ang ilang survivor ng magnitude 5.6 na lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *