Patient recovery rate sa provincial hospital, nasa 92%

KORONADAL CITY- SA kabila ng pagdagsa ng mga pasyente at paglagpas sa authorized bed capacity nito, mataas pa rin ang patient recovery rate ng South Cotabato Provincial Hospital at iba pang mga provincial government-managed hospitals sa lalawigan.

Ayon kay Chief of Hospital Dr. Conrado BraƱa na ang patient recovery rate o mga pasyenteng gumaling sa provincial hospital ay nasa 92.31% para sa COVID at Non-COVID patient na pasok pa rin umano sa standard na itinakda ng national government.

Ibig sabihin nito na kahit na maraming mga pasyente, nabibigyan pa rin ang mga ito ng tamang paggamot at management sa kanilang sakit.

Karamihan sa mga admission sa provincial hospital, Norala District Hospital at Polomolok Municipal Hospital ay ang mga nanganganak at mga may komplikasyon sa pagbubuntis.

Samantala ang average net death rate ng mga ito ay nasa 1.12%, 8% ang average maternal mortality rate, 73% ang average infant mortality rate, habang 65% naman ang average newborn mortality rate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *