Patimpalak na Miss Jose Panganiban muling binuhay matapos ang apat na taon, Bb. Angela Venida, wagi sa nasabing kompetisyon.

CAMARINES NORTE- Nasungkit ni Bb. Angela Venida ang korona bilang Miss Jose Panganiban 2023

Ito ay matapos mabinbin ng 4 na taon ang nasabing patimpalak dahil sa pandemya.

Labing-isang mga kandidata ang nagtagisan  ng ganda, galing, at talino mula sa iba’t-ibang mga barangay sa bayan ng Jose Panganiban

Nasungkit naman ni Bb. Shamira Nunez ang titulong Miss Mambulawan festival 2023. Habang Miss Tourism 2023 naman si Bb.  Kyle Arciga 1st runner up si Bb. Aaliyah Alviar at 2nd runner up si Bb. Xanice Yaneza

Ipinarating rin ni Mayor Ariel M. Non ang kanyang pagbati sa lahat ng mga nagwagi at pasasalamat naman sa lahat ng mga sumali, at mga taong naging bahagi ng tagumpay ng nasabing patimpalak.

Photo courtesy: Mr. Christian Galvan Torquator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *