International

Patuloy na pagbomba ng Russia tinawag na ‘formula of terror’ ng Ukraine

Inakusahan ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang Russia ng crimes against humanity matapos ang serye ng pambobomba sa kanilang bansa na nagdulot ng blackout sa malaking bahagi ng Ukraine.

Ayon sa report, anim na sibilyan ang nasawi habang napilitang i-shutdown ng mga opisyal ang tatlong nuclear reactors dahil sa power outages.

Maging ang kalapit na Moldova ay nakaranas din ng blackout bagamat hindi naman ito direktang tinamaan ng pambobomba.

Binigyag diin ni Zelensky na dahil sa pambobomba ng Russia, napilitan ang milyon-milyong mga tao ang nawalan kuryente, walang heater at walang tubig kasabay ng paglamig ng panahon kasabay ng winter.

Dagdag pa ni Zelensky na ang pag-atake ay tinatawag na formula of terror ng Russia.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

12 mins ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 mins ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 mins ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

23 mins ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

28 mins ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

48 mins ago