Problema sa E-Bike, pinapaaksyunan sa Committee on Transportation

NAGA CITY – Inirekomenda na ng Naga City Bicycle Board na ang Committee on Transport na ng Pamahalaan ng lungsod, ang gumawa ng aksyon sa patuloy na problema ng mga tricycle/e-trike sa pagpasok ng mga e-bike na ang iba ay ikinakayod pa.

Sa naging pakikipag-usap kay Gil Belen, Federation President ng Trimobile/E-Trike Drivers Operators Association, hinihiling nila na kung maaari huwag nang tumanggap o magrehistro ng mga e-bike mula sa ibang bayan ang lungsod na nagiging kaagaw pa sa kalsada at kita na mariin namang kinuntra ni Boboy Hernandez, Head ng NCBB, na hindi maaari ang kahilingan ng mga nasa transport lalo na’t walang ordinansang nagbabawal, ang dapat na maging request nila ang paigtingin ang pagsisita sa mga e-bike na kinakayod lalo na’t bawal ito. Nilinaw na rin nito na hindi sila nagpahinto ng pagpaparehistro lalo na’t karamihan ginagamit sa trabaho.

Naka-usap naman ng BNFM Naga si Grace Rojas, Chief ng Land Transportation Office Naga, na dapat nasa mga LGUs pa rin ang kontrol upang maregulate ang mga e-bike sa pamamagitan ng paggawa ng mga ordinansa, at dapat may Memorandum of Agreement ang LGU bilang pagpayag na maaaring pumasok ang mga e-bike sa ibang bayan.

Dagdag pa ni Hernandez, handa naman silang sumunod kung magkaroon ng amendment sa ordinansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *