Paul, Booker ng Suns bumida sa Game 2 vs Nuggets sa West semis

Iginiya nina veteran guard Chris Paul at Phoenix Sun star Devin Booker ang kanilang koponan para kunin ang 2-0 lead sa NBA western conference semi-final kontra Denver Nuggets.

Nagtapos ang laban sa score na 123-98.

Kapwa nagtala ng double-double performance sina Paul (17 points, 15 assists) at Booker (18 points, 10 rebounds) para ibaon ang Nuggets.

Bagama’t maganda ang ipinakita ni 2020-2021 NBA MVP Nikola Jokic bigo naman ang kanyang team mate na mag-step up at makipagsabayan sa Suns.

Susubukan naman ng Denver na makabawi sa Game 3 ng West Semis kung saan gaganapin ito sa kanilang homecourt sa Sabado, June 12.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *