Inihayag ni Dr. Alexander Destura, head ng Sorsogon City Veterinary Office na ang proyektong PAW park ay malaking tulong upang mas marami pang mamamayan ang mahikayat pagdating sa mga tamang practice ng pagiging responsible pet owner. Ito umano ang pinaka-una sa lalawigan.
Umaasa ang opisyal na magiging inspirasyon rin ang naturang programa pagdating sa mga karapatan ng isang alagang hayop base Animal Welfare Acts na dapat nabibigyan ng sapat na atensyon at pagmamahal ang mga alagang hayop gaya ng mga aso at pusa.
Bukod sa libreng bakuna, maaari ring gawing venue sa birthday ng kanilang mga alaga ang Paw Park.
Ang operasyon ng PAW park ay kasabay ng mall hours kung saan welcome ang lahat na dalhin at ipasyal ang kanilang mga alagang hayop bilang isang Pet Friendly Establishment.
Kung babalikan, dinagsa at kinagiliwan ng mga pet lovers sa Sorsogon ang pagbubukas ng Paw Park sa SM City Sorsogon.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…