Pawis, pangunahing sangkap ng mamahaling perfume sa Brazil

NAGTATAKA ka ba kung paano at ano-anong sangkap ang inihahalo para makagawa ng isang pabango?

Sinong mag-aakala na literal na pinagpawisan ng isang modelo sa bansang Brazil na si Wanessa Moura ang kanyang perfume line na “Fresh Goddess” bago ito tuluyang naiproseso at naisapubliko.

Pawis ang puhunan! Dahil, lahat ng bote nito ay may sangkap na mula sa kaniyang sariling pawis.

“Sexy at exciting” yan ang nakahuhumaling na kataga na binibitawan ng kanyang lahat na nakarelasyon dahil umano sa kanyang natural body odor.

Kung kaya talagang ipinagmamalaki ni Moura sa lahat ng kaniyang mga fan na nakagamit na mismo ng kaniyang pinagpawisang produkto.

Maliban riyan, tumatagingting na 690 Brazilian Real o katumbas lang naman ng aabot sa halagang P7,600 ang kada 150 ml ng pabangong ito.

Talagang isa si Wanessa sa mga patunay na  masarap malasap ang tagumpay kapag pinagpapawisan!| WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *