Payat at bansot inaasahang tataas sa Bicol pagtapos ng pandemya-NNC Bicol

LEGAZPI CITY – Diretsahan sinabi ni Regional Director Arlene Reario ng National Nutrition Council (NNC) Bicol na maaaring dumami ang bilang ng mga bansot o payat na bata dahil sa may mga prediction o hula ang mga ito ngayon taon.

Ayon kay Reario, inaasahan ngayon taon na ito ay tataas ang bilang ng stunted at payat na mga bata dahil sa pandemya, naranasan bagyo nitong nakaraan taon kung saan marami ang nasirang pananim kung layat hindi maibibigay ng tamang sustansyang pagkain sa mga bata.

Maliban pa rito marami rin ang nawalan ng trabaho sa bawat pamilya dahil sa may mga kompanya ang nagsara o nagbawas ng mga empleyado sa kanilang pinapasukan na trabaho.

Dahil dito kailangan maayos ng bawat Local Government Unit (LGU) ang problema pagdating sa nutrition.
Base sa tala, nasa 15.7% ang stunted habang 3.8% sa mga payat na mga bata sa taong 2020.

Paglilinaw ng opisyal mas malaki ang tyansa pagtaas ng payat na mga bata pagbaba kumpara sa mga bansot.

Sa ngayon ay naghihintay pa ng resulta ang tanggapan mula sa ibat ibang Provincial Nutrition Office sa ginawang operation tibang ng bawat LGU’s sa mga bata upang malaman ng mga ito ang kalagayan sa nutrition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *