Payout ng national pension ng senior citizen, ipinaliwanag ng CSWD; humingi ng paumanhin

Humingi ng paumanhin ang City Social Welfare and Development Office na namamahala sa distribusyon ng allowance mula sa programang Social Pension o SOCPEN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa taong 2022.

Ito ay dahil sa kaliwa’t kanang reklamo na natanggap ng opisina sa proseso ng payout simula nitong nakalipas na lunes, ika- 16 ng Enero 2023.

Ayon kay Vilma E. Delfonso, kulang kasi sila sa tauhan kaya dalawang tauhan lamang nila ang in-assign sa bawat barangay para mag-release ng pension.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi agad nakapag-simula ng pay-out sa ilang baranggay dahilan para may magreklamo na authorized representative at mismong senior citizen.

Nilinaw pa nito na hindi ‘confidential’ ang listahan ng mga recipient ng pensyon at sa katunayan aniya, maaga raw itong ibinigay sa mga president ng senior bago ang pay-out upang maipaalam.

Gayunpaman, ang mga na-engkwentrong problema tuwing mamamahagi ng social pension ay sisikapin umanong maresolba sa mga susunod na pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *