PB ng Brgy Boton, tiwala na walang dadalhin na problema sa kanilang waste management ang itatayong canning factory

Tiwala si Boton Casiguran Barangay Captain Jose Corañes na walang dadalhin na poblema sa kanilang waste management ang planong pagtatayo ng sardine cannery sa kanilang barangay.

Ayon sa opisyal, naniniwala silang bago maaprubahan at maging operasyonal ang nasabing proyekto ay masusi na itong nasuri ng mga kinauukulang ahensya at compliant na sa lahat ng mga requirements.

Anya, kung hindi kasi masusunod ang tamang mga proseso hinggil sa pagtatayo ng nasabing canning factory ay tiyak na sila din ang maaapektuhan lalo na kung sa dagat mapupunta ang mga dumi mula sa nasabing pabrika, lalo pa na ang kanilang karagatan umano ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng halos karamihan sa kanilang mga residente.

Mababatid na proper waste disposal ang madalas na problemang hatid ng mga kahalintulad na proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *