PBA, hinihintay ang go-signal ng SBP sa Gilas Pilipinas draftees

Handa ang PBA na i-welcome ang mga miyembro ng special Gilas Pilipinas Draft mula sa 2019.

Pero, ito umano ay nakasalalay sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at kung kung kailan ang limang players na napili makakapagreport sa kanilang mother teams.

Nabatid na limang players angpinili na special round ng 2019 PBA Rookie Draft: na kinabibilangan nina Isaac Go (TerraFirma), Rey Suerte (Blackwater), Matt Nieto (NLEX), Allyn Bulanadi (Alaska), at Mike Nieto (Rain or Shine).

Mapaulat rin na ang kontrata ng naturang mga manalaro sa SBP ay mag-eexpire na sa katapusan ng buwan, pero nananatili naman ang posibilidad na magrenew.

Leave a Reply

Your email address will not be published.