PBA, ipinagpaliban ang mga laro sa pagitan ng TNT at TerraFirma

Inatras ng PBA ang schedule nito para ngayong araw, dahil sa ilang isyu na may kinalaman sa COVID-19.

Nitong Martes ay inanunsyo ng liga na nagpositibo ang resulta ng COVID-19 tests ng ilang miyembro ng TNT Tropang Giga habang meron iba ang kailangan pang makumpirma sa pamamagitan ng approved league protocols ng gobyerno.

Dahil diyn ay ipinagpaliban ng PBA ang laro sa pagitan ng TNT at Magnolia, na mamayang gabi na sana gagawin.

Ipagpapaliban rin ng PBA ang laro ng TerraFirma at Alaska na orihinal na naka-schedule mamayang alas-12:30 ng tanghali.

Nagnegatibo naman ang lahat ng miyembro ng TerraFirma Fyip, ngunit sila ang nakalaban ng Tropang Giga noong July 17.

Samantala, tiniyak naman ng PBA na naka-isolate na ang apat na players ng TNT, at inaasahang dadaan muli ang mga ito sa pagsusuri habang ang iba pang miyembro ng nasabing team na nagkaroon ng negatibong resulta, ay naisama na rin sa isolation at retesting.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *