Sports

PBA teams, pwedeng mag-set up ng sariling training bubbles sa MGCQ areas

Hindi muna pwedeng magsanay ang mga PBA teams sa kani-kanilang mga sariling gyms habang nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Gayunman, sinabi ng PBA na pwede naman bumuo ng sariling training camps ang mga kuponan sa mga bubble environments, sa kondisyon na gagawin nila ito sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.

Iginiit ni PBA commissioner Willie Marcial na dapat ay kumuha rin ng permiso ang mga kuponan mula sa local government units ng lugar na pagdarausan ng kanilang training.

Dagdag ni Marcial, hihingian rin nila ng sulat mula sa IATF ang mga pangkat na nagsasabi na pinapayagan silang mag-training sa MGCQ areas.

Bukod diyan ay kailangan rin ng mga pangkat na humingi ng permiso mula sa Games and Amusements Board, na mag-iinspeksyon sa training facility ng kanilang pupuntahan.

Dapat rin anya ay sabihan ng mga ito ang PBA kaugnay sa mga protocols na ipatutupad nila sa bubble.

Matatandaan na napayagan ang PBA teams na magsagawa ng maliit na group training sessions noong January ngunit natigil ang lahat ng ito sa Marso nang isailalim muli ng gobyerno ang Metro Manila at ang mga karatig na probinsya sa mas istriktong quarantine protocols dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago