PBA, tinanggihan ang imbitasyon para sa Dubai Expo dahil sa COVID surge

Tuluyan nang tinanggihan ng PBA ang imbitasyon para sa Dubai Expo 2020, sa gitna ng patuloy na hinaharap ng liga ang epekto ng bagong spike sa COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa gitna nito, labis parin ang pasaslamat ni League Commissioner Willie Marcial sa mga organizers ng international trade exhibition, kasabay ng pag-amin na imposible silang makapagpadala ng teams para sa Dubai sa gitna ng health crisis.

Mababatid na ang laro ay unang itinakda sa January 27 hanggang 30 sa Expo Sports Arena, habang ang buong Dubai Expo 2020, isang trade fair kung saan feature ang innovations at mga produkto mula sa iba’t-ibang bansa ay magsisimula sa October 1, 2021 hanggang March 31, 2022.

Nabatid na may ikalawang imbitasyon na ibinigay sa PBA para sa naturang laro noong Marso, pero hindi nakikita ng liga na ligtas na maglaro ngayon sa naturang bansa sa panahong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.