PBBM at PM Albanese, pagpupulungan ang joint military exercises

Umaasa si Pangulong Bongbong Marcos na pagpupulungan nila ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ang pagpapatuloy ng joint military exercises ng dalawang bansa.

Ayon sa presidente, sa ganitong paraan, mapapalakas ang kakayahan ng armed forces ng Pilipinas at ng Australia.

Nakatakdang magpulong ang dalawang lider ng bansa sa susunod na buwan bilang isa sa mga agenda sa pagbisita ni Prime Minister Alabanese sa Pilipinas.

Isinaad ni Pangulong Marcos ang komento na ito habang isinasagawa ang joint war games ng mga Filipino, Australian, at American forces sa San Antonio, Zambales, kung saan mahigit 2,200 na hukbo ang nakilahok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *