PBBM, babawasan na ang foreign trips ngunit kinumpirmang lalahok APEC Summit sa US

Matapos ang kanyang walong foreign trips, sinabi ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na babawasan niya ang kanyang mga biyahe sa ibang bansa sa natitirang bahagi ng taon.

Gayunpaman, kinumpirma niya na dadalo siya sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC summit na gaganapin sa Estados Unidos sa Nobyembre.

Sinabi ng Pangulo na ang kanyang partisipasyon sa APEC summit  ang tanging foreign trip na kumpirmado sa ngayon.

Ang dahilan sa likod nito, aniya ay upang subaybayan at pagsama-samahin ang lahat ng mga investment pledges na nakuha ng bansa sa kanyang mga nakaraang foreign trips.

Kasunod ng mga batikos sa kanyang madalas na paglalakbay sa ibang bansa mula nang maupo sa pagkapangulo, muling iginiit ni Marcos na bilang bagong pinuno ng estado, kailangan niyang ipakilala ang kanyang sarili at gamitin ang plataporma upang maitatag ang presensya ng Pilipinas sa international community.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *