PBBM, hindi na nagulat sa nangyaring pagpapalit ng pwesto sa kamara

Hindi na nagulat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyaring pagpapalit ng pwesto sa Kamara.

Tinukoy ng Pangulo ang demosyon ni Congresswoman at dating Pangulong Gloria Arroyo bilang deputy speaker mula sa dating pagiging Senior Deputy Speaker.

Sa isang panayam sa Pagudpud, Ilocos Norte, sinabi ni Marcos na matagal-tagal din siya sa kongreso at nangyayari talaga ang mga pagbabago sa alinmang organisasyon at hindi exempted dito ang mga miyembro ng Kamara.

Maliban dito, preprogative aniya ng lider ng kongreso kung sino ang sa tingin nito ang gusto niyang ilagay sa pwesto.

Binigyan-diin din niya na bahagi ito ng reorganisasyon at hindi na aniya kailangan pang bigyan ng malisya dahil pangkaraniwan na itong nangyayari.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *