PBBM, hiniling sa Indonesian government na muling suriin ang kaso ni Mary Jane Veloso

Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Indonesian government na muling suriin ang kaso ng convicted drug mule na si Mary Jane Veloso.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Marcos , sinabi niyang  binanggit niya ang kaso ni Veloso kay Indonesian President Joko Widodo sa sideline ng 42nd ASEAN Summit sa Labuan Bajo sa silangang Indonesia.

Sinabi anya ni Widodo na ipinatupad lamang ng pamahalaan ang nararapat na batas laban kay Veloso.

Nauna rito, nangako si Marcos na hindi isusuko ng Pilipinas ang kaso ni Veloso.

Matatandaang hiniling ng Department of Foreign Affairs  sa Indonesia noong September 2022 na patawarin si Veloso na naaaresto sa Yogyakarta noong 2010 matapos niyang magdala ng maleta na may laman na mahigit 2.6 kilo ng heroin at hinatulan ng kamatayan sa parehong taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *