PBBM, hinimok ang mga Pilipino na sundan ang values at ideals ng kaniyang ama kasabay ng paggunita ng ika-106 kaarawan nito

Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-106th birth anniversary ni Former President Ferdinand Marcos Sr., kung saan pinangunahan ng anak nito na si Pangulong Bongbong Marcos ang isang wreath laying activity kaninang umaga sa Batac, Ilocos Norte.

Kaugnay nito dumalo ang Presidente sa iba’t ibang aktibidad kaugnay sa naturang selebrasyon.

Kabilang dito ang launching ng PhilRice rice paddy art ng Mariano Marcos State University.

Nakatakda ring mamahagi ng mga farm machineries sa iba’t ibang asosasyon ng mga magsasaka at mangingisda sa naturang lalawigan.

Ilan sa ipamamahagi ay mga hand tractor, reaper/harvester, cultivator, Bangka at shredder.

Sa mensahe naman ni Pangulong Marcos, hinimok nito ang mga young leaders at government officials, na gawing inspirasyon sa pagsisilbi sa bansa ang mga naging values, ideals at visions ng kanyang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *