PBBM, hninimok ang AFP na patuloy na gampanan ang tungkulin nito upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa bansa

Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy na gampanan ang mga tungkulin nito upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng bansa.

Sa kaniyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-87 anibersaryo ng AFP kahapon, pinuri ni Marcos ang AFP para sa kanilang serbisyo sa panahon ng pandemya , climate-change related disasters, at paglaban ng gobyerno laban sa mga komunistang terorista.

Kinilala rin ni Marcos ang malaking papel na ginampanan ng AFP sa malaking pagbaba ng bilang ng mga komunistang terorista na humahadlang sa paghahatid ng serbisyo ng gobyerno at pagpapaunlad ng imprastraktura.

Pinuri rin ng Pangulo ang AFP sa suporta nito sa humanitarian assistance at disaster response efforts sa pamamagitan ng pagpapakilos ng mga assets at ang agarang deployment ng mga tauhan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *