PBBM, ibinahagi sa WEF president na mababa na ngayon ang unemployment rate sa Pilipinas

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na mababa ang unemployment rate sa bansa, kumpara sa bilang noong pre-pandemic days.

Sa kanyang dayalogo kay World Economic Forum president Børge Brende sa Davos, Switzerland, ibinahagi ni Marcos na nakapagbigay ang gobyerno ng milyon-milyong trabaho simula noon.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority nakasaad na ang unemployment rate sa bansa noong November 2022 ay nasa 4.2%, mababa kumpara sa 4.5% na naitala noong October 2022 at 6.5% noong November 2021.

Ang estimated unemployment rate noong November 2022 ay mababa simula noong April 2005.

Ayon sa pangulo, na simula nang maupo siya sa pwesto noong July 2022, tinutukan umano niya ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) bilang ito ang bumubuo sa malaking bahagi ng ekonomiya, na kapareho sa karamihang ASEAN countries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *