PBBM, iginiit ang whole-of-society, whole-of-nation approach para matugunan ang backlog sa housing

Binigyang diin ni Pangulong Bongbong Marcos na ang kapalaran sa housing ay matutugunan lamang sa pamamagitan ng whole-of-society at whole-of-nation approach.

Sa groundbreaking ceremony ng Batasan Development Urban Renewal Plan sa Quezon City na nasa ilalim ng flagship Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ng kanyang administrasyon, sinabi ni Marcos, na wenewelcome umano niya at hinihikayat ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na ipagpatuloy ang kanilang mga hakbang na pagsusulong at pagpapalakas sa partnerships sa ibang mga ahensya ng gobyerno at sa private sector para makuha ang mga requirements para sa housing production at ang pondo.

Nabatid na ang unang phase ng redevelopment ng Batasan area ay kinabibilangan ng konstruksyon ng dalawang 33-storey buildings na may kabuoang 2,160 housing units.

Ang simultaneous groundbreaking ceremony ay isinagawa sa Cauayan City, Isabela, kung saan target na makabenepisyo ang 1,080 na mga pamilya sa pamamagitan ng konstruksyon ng nine five-story buildings, kabilang na ang recreational parks at iba pang amenities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *