PBBM, ikinatuwa ang pagbaba ng budget deficit ng Pilipinas sa  P1.6 trillion

Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbaba ng budget deficit ng Pilipinas sa P1.6 trillion mula sa P1.7 trillion noong 2021.

Mas malaki aniya ang kinita ng gobyerno kaysa sa gastos para sa taong 2022.

Ibig sabihin aniya, mas marami ang pondong mailalaan sa mga programa na makatutulong sa mga Pilipino.

Samantala, wi-nelcome naman ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang pagbaba ng budget deficit ng gobyerno.

Nagpahayag din siya ng kumpiyansa na ang Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) ng administrasyon ay makakatulong na higit  pang mabawasana ng budget deficit sa GDP ratio sa 3 percent sa 2028.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *