PBBM sa Peace and Order Council, ‘bigyang-pansin ang political violence at illegal drug trade’

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Peace & Order Council – Regional Peace and Order Council na bigyang-pansin ang political violence at mga kaso ng illegal drug trade na siyang pangunahing balakid sa pagkamit ng kapayaan sa bansa.

Sa ginanap na pulong sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na dapat pagtuunan din ng konseho ang kapayapaan at kaayusan sa pagtugon sa paglaganap ng illegal at loose firearms na nagtutulak ng karahasan sa bans at nagbabala rin tungkol sa pagtaas ng warlordism.

Bukod dito, sinabi ng Pangulo na problema din ang paghahari-harian ng ilang mga pulitiko at naghahasok ng takot kaya dapat na matigil ang mga ganitong gawain.

Kaugnay ng pangkalahatang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan, iniulat ng gobyerno na ang kabuuang dami ng krimen noong 2022 ay bumaba ng 11.87 porsyento, mula 235,059 noong 2021 hanggang 207,143.

Ang crime solution at crime clearance efficiency sa pagtatapos ng 2022 ay nasa 82.28 percent at 96.72 percent, ayon sa pagkakabanggit.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *