PBBM, inatasan ang Senado na suriing mabuti ang MIF sa halip na madaliin ito

Inatasan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Senado na pag-aralang mabuti ang panukala ng kanyang administrasyon para sa sovereign wealth fund— ang Maharlika Investment Fund.

Ayon kay Marcos, mas maganda naman umano na matapos sa lalong madaling panahon, pero hindi naman dapat madaliin dahil napakaimportante ng bawat salitang ilalagay sa batas.

Mababatid na ipinasa na ng House of Representatives ang House Bill (HB) No. 6608 o ang Maharlika Investment Fund Act (MIF) na magbibigay ng independent fund na kukunin mula sa mga investible funds ng piling government financial institutions (GFIs), kontribusyon ng national government, mga ideneklarang dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at iba pang sources.

Sa Senado namana, inihain na ni Sen. Mark Villar ang counterpart measure nito.

Sa ilalim ng panukala, ang pondo ay gagamitin para i-invest sa mga strategic at commercial basis na para ma-promote ang fiscal stability para sa economic development at mapalakas ang top-performing GFIs sa pamamagitan ng karagdagang investment platforms na makakatulong na maabot ang mga priority plan ng national government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *