PBBM ipinag-utos ang imbestigasyon sa pananambang sa broadcaster na si Percy Lapid

Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara, nag-aalala si Marcos sa naturang krimen.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na si Guevara sa Southern Police District na una nang bumuo ng task force para imbestigahan ang pagpalaslang kay Lapid.

Makikipag-usap din ito sa Presidential Task Force on Media Security at sa SPD upang matiyak na walang magiging problema sa imbestigasyon.

Nabatid na maging ang National Bureau of Investigation ay magkakasa narin ng imbestigasyon ukol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *