PBBM, isinusulong ang Magna Carta para sa mga BHW

Isinusulong ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos ang Magna Carta for barangay health workers (BHW) bilang kinikilala nito ang kanilang mga kontribusyon sa bansa.

Sa pulong sa Malacañang sa mga barangay health workers, sinabi ni Marcos na ang pagpasa sa Magna Carta para sa kanila ay talagang magpapaganda sa kanilang kondisyon.

Ang Magna Carta for Barangay Health Workers ay isa sa mga panukala sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na aprbado na sa ikatlong pagbasa sa House of Representatives.

Ayon sa pangulo, ang mga BHWs sa bansa ay may malaking papel sa kasagsagan ng coronavirus pandemic, pagbibigay ng mga serbisyo, pagsasagawa ng house-to-house visits at pagdedesisyon kung sinu sa mga tao ang ipapadala sa mga ospital at isolation facilities.

Dagdag ng punong ehekutibo, ang mga ito rin umano ang important source ng impormasyon para sa national government sa kanilang policy decisions. Samantala, tinitiyak ni Marcos na ang Magna Carta for BHW ay magiging priority measure, kasabay ng pag-asang walang tututol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *