PBBM, itinangging hinuhubog ang panganay na anak na maging susunod na pangulo

Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hinuhubog niya ang anak na si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos para maging susunod na pangulo ng bansa.

Ayon sa Pangulo,  isinama niya si Sandro sa World Economic Forum sa Switzerland dahil isa ito sa mga author ng Maharlika Investment Fund na isa sa mga tinalakay niya sa mga lider na dumalo sa WEF.

Samantala, nilinaw rin ni Marcos na walang kinalaman si First Lady Liza Marcos sa pagpili ng mga itatalagang opisyal ng administrasyong Marcos.

Humihingi umano ng payo o tulong si Marcos sa kanyang maybahay hinggil sa mga usaping ligal at hindi pulitika.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *