PBBM: King Charles coronation magbibigay daan para sa kapayapaan, progreso, kasaganahan sa UK

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.na ang coronation kay King Charles III ay magbibigay daan para sa bagong kabanata ng kapayapaan, progreso at kasaganahan para sa United Kingdom at sa Commonwealth.

Ang pahayag ni Marcos ay matapos ang muling pagpapaabot ng pagbati nito kay King Charles III at Queen Camilla para sa kanilang coronation noong weekend sa Westminster Abbey in London.

Ayon sa pangulo, enggrande at magnificent ang seremonya, puno ng mga simbolismo at kasaysayan.

Labis din na ikinagagalak ng punong ehekutibo na naging kinatawan siya ng Pilipinas para sa naturang makasaysayang okasyon.

Matatandaan na agad lumipad si Marcos papuntang UK matapos ang five-day official working trip sa United States, kung saan nakakuha siya ng mga investment pledges mula sa mga American companies at nagpatibay ang security ties sa US. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *