PBBM, kinilala ang mahalagang inisyatibo ng private sector sa paglago ng ekonomiya ng bansa

Nangako si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na susuportahan ang private sector sa kanilang  mga layunin, kasabay ng pagsasabing hindi magagawa ng gobyerno ang maraming bagay nang wala ang kanilang suporta.

Sa kanyang vlog matapos ang lumipad sa Davos, Switzerland ang  pito sa mga malalaking business leaders ng bansa para suportahan ang inaugural participation sa World Economic Forum (WEF).

Binigyang diin ni Marcos na maganda ang performance ng bansa sa kanilang venture na malampasan ang pandemya sa pamamagitan ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

Layunin ng PDP, na ma-reinvigorate ang job creation ang mapabilis ang poverty reduction sa pamamagitan ng pasisikap na maibalik ang ekonomiya ng Pilipinas sa high-growth trajectory. Mababatid na kabilang sa pitong Filipino business tycoons na sumama kay Marcos sa Switzerland ay sina Sabin Aboitiz (Aboitiz); Kevin Andrew Tan (Alliance Global); Jaime Zobel de Ayala (Ayala Group); Lance Gokongwei (JG Summit Holdings); Ramon Ang (San Miguel Corp.); Teresita Sy-Coson (SM Investments); at Enrique Razon (International Container Terminal).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *